Tunay Na Kaibigan Essay Help

“Inaasahan ng ilan na sasang-ayunan ko sila o hindi ko sila iiwan kahit labag sa pamantayan ko o sa konsiyensiya ko ang ginagawa nila. Hindi ganiyan ang tunay na kaibigan.”—Nadeine.

“Si Ate ang best friend ko. Pinalalakas niya ang loob ko na gawin ang buong makakaya ko at tinutulungan akong maging mas palakaibigan. Sinasabi niya sa akin ang totoo kahit hindi iyon ang gusto kong marinig.”—Amy.

“Nang minsang magkaproblema ako, hindi ito basta binale-wala ng matatalik kong kaibigan; tapatan nila akong pinayuhan. Y’ong iba ay nanahimik lang at walang ginawa. Hindi nila sinabi na may problema.”—Miki.

“Kumpara sa iba, mas nakikita ng kaibigan ko ang potensiyal ko, at pinasisigla niya akong abutin ang mga goal ko. Pinaprangka niya ako kapag kailangan—at iyon naman ang gusto ko!”—Elaine.

Tinutulungan ka ba ng mga kaibigan mo na maabot ang iyong potensiyal, o kailangan mong babaan ang iyong pamantayan para tanggapin ka nila? Sinasabi sa Kawikaan 13:20: “Siyang lumalakad na kasama ng marurunong ay magiging marunong, ngunit siyang nakikipag-ugnayan sa mga hangal ay mapapariwara.”

Isulat sa ibaba ang pangalan ng dalawang kaibigan na nakatulong sa iyo na maging mas mabuting tao.

  1. ․․․․․
  2. ․․․․․

Tingnan ang mga pangalang isinulat mo sa tatlong seksiyon. Kung tatlong beses mong isinulat ang pangalan ng isa, tunay siyang kaibigan! Pero kung wala kang maisip na may gayong mga katangian, huwag kang malungkot. Malamang na mayroon kang puwedeng maging tunay na kaibigan sa mga kakilala mo. Baka kailangan lang ng panahon para mahanap mo sila.* Pansamantala, sikapin mong maging isang mabuting kaibigan. “Lagi akong handang sumuporta sa mga kaibigan ko,” ang sabi ng 20-anyos na si Elena. “Kapag may kailangan silang gawin, tumutulong ako. Kung kailangan nila ng kausap, nakikinig ako. Kung gusto nilang umiyak, dinadamayan ko sila.”

PUNDASYON NG PAGKAKAIBIGAN

Ang pundasyon ng mabuting pagkakaibigan ay ang pagkakaroon ng iisang pamantayan. Ibig sabihin, magkapareho kayo ng paninindigan pagdating sa relihiyon at moralidad.

Ang sumunod na salik, magkaparehong katangian, ay pangalawahin lang.

At karaniwan na, ang pagkakaroon ng magkaparehong hilig ay hindi gaanong mahalaga. Maaari mo pa ring maging kaibigan ang isa kahit magkaiba kayo ng talento at kinahihiligang libangan.

Babala: Mag-ingat sa pagkakaibigan na nakasalig lang sa magkaparehong hilig. Kung magkaiba ang pamantayan ninyong magkaibigan, madaling masisira ang inyong ugnayan—o baka mapahamak ka pa nga dahil dito.

Totoo, baka marami kang kakilala, at mas mabuti naman iyan kaysa mapabilang ka sa isang partikular na grupo lang. (2 Corinto 6:13) Pero hindi ba’t gusto mo ring magkaroon ng ilang tunay na kaibigan na “ipinanganganak kapag may kabagabagan”? (Kawikaan 17:17) “Maganda ang maraming kakilala,” ang sabi ng 20-anyos na si Jean, “pero parang katulad iyan ng pagkakaroon ng closet na punô ng mga damit na maganda lang tingnan sa sabitan pero wala namang kasya sa iyo. Pinipili mo pa rin ang iilang damit na alam mong bagay sa iyo. Ganiyan din pagdating sa matatalik na kaibigan.”


Personally, it takes a lot for me to say na ang isang tao ay kaibigan ko.  Hindi acquaintance o basta-bastang kakilala lang, kundi Kaibigan.  Kaibigan talaga.  Someone you share a beautiful thing with called friendship.  Marami kasing tao ang masabi lamang na maraming kaibigan, pero ilan ba sa lahat ng tinatawag mong kaibigan ang tunay ngang kaibigan?  I'm sure hindi iyan hihigit sa sampu.  At most na siguro ang dalawampu.  Pero what differentiates a friend from a friend?  Paano mo malalamang tunay ngang kaibigan ang isang tao?

Sa tingin ko ay maaaring ito rin ang inyong maging pamantayan upang malaman kung sino ang totoo mula sa friend-friend lang.

  • Ang tunay na kaibigan ay sasabihin sa iyo kung ano ang dapat mong marinig at hindi ang gusto mong marinig.
  • Ang tunay na kaibigan ay hindi ka paliliguan ng papuri.  There is a difference between a friend and a flatterer.
  • Tunay ang iyong kaibigan kung sa minsang pagsasabi nya ng katotohanan tungkol sa iyong pagkatao ay naapektuhan ka (e.g. nasaktan).  Ibig sabihin ay naniniwala ka sa paglalarawan nya sa iyo.  May katotohanan ang kanyang sinasabi at nangangahulugan itong kilala ka niya.
  • Ang tunay na kaibigan ay may isang salita.  Kapag sinabi nya, sinabi nya at walang babali rito.
  • Ang tunay na kaibigan ay mananatiling kaibigan despite of the distance or dami ng taong hindi nyo pagkikita.  Matapos ang ilang taong hindi pagkikita, malalaman mong ang iyong kaibigan ay kaibigan pa rin kung pareho pa rin ang pakiramdam nyo sa presence ng isa't isa.  Kung walang naging gaps, kung walang weird feelings, tunay pa rin at nananatili ang pagkakaibigan ninyo.  The feeling is as if no one ever left.  As if you never parted.
  • Tunay ang kaibigan mo kung kaya nyang sabihin sa iyo na baduy ang suot mo, di bagay ang gupit mo, mabantot ka or pangit ang manliligaw o nililigawan mo.  Hindi kailangan ng approval sa kanyang mga opinyon.
  • Gayundin, bagama't baduy ka, pangit ang hairdo, mabaho at pangit ang sinusuyo o nanunuyo, nakasuporta lamang siya sa iyo sa anumang pasya mo.  Nirerespeto ng tunay na kaibigan ang kagustuhan ng kaibigan nito.  Walang bahid ng pagmamanipula.
  • Ang tunay na kaibigan ay hindi insecure sa iyo.  Wala syang ibang hangarin kundi ang magkasing kayo sa lahat ng bagay.  Magsing-ganda, magsing-pogi, magsing-buti etc.  At kung sakali man mahigitan mo sya minsan, ang tunay na kaibigan ay maligaya pa para sa iyo.
  • Ang tunay na kaibigan ay yaong ilang beses mo nang naka alitan o nakadiskusyunan pero sa dulo ng mga ito ay nananatili kayong nagmamahalan at tanggap pa rin ang isa't isa.
  • Ang tunay na kaibigan ay hindi ka huhusgahan, bagkus ay yayakapin ang iyong buong pagkatao, kasama ng iyong kamalian, kakulangan at kahinaan.
  • Ang tunay na kaibigan ay yaong nagbibigay ng tulong kahit hindi mo pa man ito hinihingi.
  • Ang tunay na kaibigan ay nakakaramdam kapag ikaw ay nagdaramdam, kahit hindi mo pa ito sabihin.
  • Ang tunay na kaibigan ay masaya kapag masaya ka.  Gayundin ay umiiyak kapag ikaw ay nalulungkot.  Ang tunay na kaibigan ay karamay mo sa hirap o ginhawa.
  • Ang tunay na kaibigan ay magte-text o tatawag sa iyo upang mangamusta, kahit walang dahilan, kahit walang kailangan.
  • Ang tunay na kaibigan ay tatawag sa iyo kapag nabalitaang mayroon kang pinagdaraanan at sasabihin sa iyong naroon lang siya kahit matagal na kayong hindi nagkakausap o nagkikita.

Good vibes lang dapat ang panimula for 2013!
Next time na ang ma-emo na post haha!
Credits to PM Tabloid

0 thoughts on “Tunay Na Kaibigan Essay Help

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *